Mga Pinakamahusay na Site sa Pagtaya ng Totoong Pera sa Dota 2 para sa 2020

Mayroong panahon na ang pagtaya sa Dota 2 ay maaari lamang gawin sa kaunting mga site. Hindi na ito ang kaso dahil maaari na itong gawin sa dose-dosenang magkakaibang lugar sa panahon ngayon. Ang ilan ay maliliit na site na may espesyalisasyon sa pagtaya sa Dota 2 habang ang ilan ay mga mainstream na site sa pagtaya na idinagdag ang Dota 2 sa iba pa nilang mga inaalok.

Ang pagkalahatang pamantayan ng mga site na ito ay may kapansin-pansing pagkakaiba-iba. Kung kaya’t mahalaga na mag-isip nang mabuti sa pagpili ng site na lalahukan. Mapalad ka dahil ginawa namin itong madali para sa iyo. Kasunod ng ilang mga masusing pananaliksik at pagsubok, nakatukoy kami ng ilang lugar na tunay na nangingibabaw bilang PINAKAMAHUSAY na site sa pagtaya sa Dota 2. Narito ang mga site na nirerekomenda naming salihan mo at inilista namin ito rito para sa iyo.

Rank Gambling Site Exclusive Bonus Get Started

Ang Dota 2 ay isang NAKAKABALIW na popular na video game. Simula nang inilabas ito noong 2013, ito na ang naging pinakanilalarong laro sa Steam. Ito rin ang isa sa mga pinakamahalagang titulo sa mga paligsahan ng paglalaro ng video game. Ang mga paglisahan sa Propesyonal na Dota 2 ay nakakaakit ng maraming manonood mula sa buong mundo at ang larong ito ay tinampok na sa mga matataas na uri ng palaro at ligang esports.

Tulad ng ibang mga popular na larong esports, ang Dota 2 ay nakakaenganyo ng interes sa pagtaya. Sa katotohanan, ito ang ikalawa sa pinakatinatayaang laro sunod sa League of Legends. Ang pagtaya ng totoong pera sa Dota 2 ay isang MALAKING negosyo at may pagkakataong maging mas malaki pa sa hinaharap. Ito ay pinatutunayan ng sa kung gaano karaming Mga Site sa Pagtaya sa Dota 2 ang mayroon.

Mayroong ilang mga dahilan kung bakit naming piniling irekomenda ang mga site na ito. Una sa lahat ay ang simpleng katotohanan na sila ay may reputasyon at pinagkakatiwalaang mga lugar sa pagtaya. Hindi sila mawawala nalang basta na dala ang iyong pera o tanggihan kang bayaran ng iyong napanalunan. Ang mga site na ito ay may lehitimong operasyon na lisensyado at kontrolado ng pamahalaan. Sa kasamaang palad, hindi ito totoo sa BAWAT site sa pagtaya sa Dota 2.

Narito ang ilang mga dahilan kung bakit ang mga site na ito ay mas nangingibabaw kaysa sa iba:

  • Mahusay na sakop ng mga paligsahan sa Dota 2
  • Maayos na mga klase ng pagpipilian sa pagtaya sa Dota 2
  • Mahusay na kalamangan at mga linya sa Dota 2
  • Madaling makakapagdeposit at mabilis makakapagwithdraw
  • Mapagbigay sa mga bonus at reward
  • Matulunging customer support

Buong-tapang naming masasabi na hindi ka mabibigo sa mga kayang ibigay ng mga site na nirerekomenda namin sa iyo. Kung ikaw ay naghahanap ng matatayaan sa Dota 2 ngayon, ito ang mga site na pwede mong salihan. Maaari kang mag-sign up sa isa sa mga ito at makakasiguro kang magkakaroon ng maayos na karanasan.

Tandaan na ang mga ito ay ang inirerekomenda naming site sa pagtaya ng TOTOONG PERA sa Dota 2. Kung ikaw ay interesado sa pagtaya sa item (o pagtaya sa “skin”), kakailanganin mong tumingin sa iba. Hindi masyadong matagal na pagtingin dahil sinakop namin ang uring ito ng pagtaya sa Dota 2 sa ilalim. Ipinaliwanag namin ang mga batayan sa kung paano ito gumagana at tiningnan namin ang ilang mga site kung saan ito maaaring gawin.

Marami pa nito sa pahinang ito. Nagbigay kami ng pangkalahatang idea sa larong Dota 2 at tiningnan namin kung bakit ito popular. Dinetalye rin naman ang mga pinakamalaking torneo at mga liga sa Dota 2.

Pagtaya sa Item sa Dota 2

Tinatampok sa Dota 2 ang ilan sa mga cosmetic item na maaaring makita o makuha habang naglalaro. Tinatawag din mga skin ang mga item na ito na hindi nagsisilbi ng anumang layunin bukod sa pagsasaayos ng pisikal na itsura ng ilang mga aspeto ng laro. Gayunpaman ay mataas pa rin itong tinatangkilik ng mga manlalaro. Sa sobrang pagtangkilik ay mayroong maunlad na lugar-pamilihan kung saan ang mga item na ito ay maaaring bilhin gamit ang totoong pera.

Ang opisyal na platapormang kalakalan para sa mga item ng Dota 2 ay ang Steam Community Market (larawan sa ilalim). Maaaring ilista ng mga manlalaro ang kanilang mga item na binebenta at maaari ring bumili ng mga item mula sa ibang manlalaro. Ang gawain ay otorisado ng Valve Corporation, ang mga tagapagdebelop ng Dota 2. Mayroon ding ilang mga third-party na website kung saan ang mga manlalaro ay maaari ring bumili at magtinda ng mga item.

Community Market

Ang mga item sa screenshot sa itaas ay may mababang halaga. Gayunpaman, ang mayorya ng mga item ay nagkakahalaga ng parehong presyo at ang iba naman ay pinakagusto ng mga manlalaro na makukuha sa mas mataas na presyo. Ang pinakamahal na item na nakita sa market ay tumataginting na $38000 at ang mga halagang $1-2000 ay yaong mga karaniwan lamang.

Bilang karagdagan sa mga item na ito na binebenta online, ang ilan sa mga site sa pagtaya sa Dota 2 tinatanggap ito bilang pamalit sa totong pera. Ibig sabihin ay maaari itong magamit bilang pantaya. Ang batayang prinsipyo ay halos tulad din ng sa tradisyonal na pagtaya ngunit gumagamit lamang tayo ng item kaysa pera. Kaysa ipusta ang ilang halagang pera mula sa aming mga mananaya ay pinupusta na lamang namin ang isa o ilanman sa aming mga item. Kami ay binabayaran ng mas maraming item kung kami ay mananalo.

Sa simula, ang mga item ay nagagamit lamang pantaya sa mga propesyonal na labanan sa Dota 2. Ang mga bagay ay mabilis na nagbago at maaari na nating gamitin ang mga item sa pagsusugal sa anumang mga bagay. Maaari tayong maglaro ng roleta, halimbawa, at ilang mga pagtayo tulad ng loterya.

Kung ang pagtaya ng mga item sa Dota 2 ang iyong nais, siguruhing mabasa mo muna ang sumusunod na artikulo. Ang pagtaya ng mga item ay HINDI kontrolado ng pamahalaan at itinuturing na may mataas na panganib. Mahalagang maintindihan mo muna ang mga katotohanang ito bago ka sumali at ipapaliwanag namin ito sa iyo rito.

Kami ay madalas na tinatanong upang magrekomenda ng mga site sa pagtaya ng mga item o skin ngunit hindi pa kami handa sa mga ganitong usapin sa ngayon. Karamihan sa mga site na ito ay tahasang manloloko o nakakapagtaka at wala pa kaming nakikitang ANUMANG makakapagtulak sa amin upang irekomenda ang alinmang site.

Kung ikaw ay talagang determinado na sumali, ang sumusunod na site ang pinakapopular. Hindi namin ineendorso ang mga site na ito ngunit ito ang sa tingin namin ay kahit papaano’y MUKHANG lehitimo.

  • Dota Jackpots Image
    DotaJackpots.com
  • Dota 2 Lounge Image
    Dota2Lounge.com
  • VP Game Image
    VPGame.com

Pangkalahatang-ideya sa Dota 2

Ang Dota 2 ay inilabas noong 2013 matapos ang dalawang taong open beta. Ito ay nakabukod na kasunod ng orihinal na Defense of the Ancients na isa namang customized mod para sa larong (Warcraft III). Ang laro ay libreng laruin at nauuri bilang MOBA. Ang MOBA ang pinaikling

multiplayer online battle arena na kasalukuyang napakapopular na uri ng video game.

Ang mga paligsahan sa Dota 2 ay nilalaro ng dalawang magkalabang pangkat. Ang bawat pangkat ay binubuo ng limang manlalaro at ang bawat isa ay kumokontrol sa isa sa mga maraming karakter na maaaring piliin sa laro. Ang mga karakter ay kinikilala ng isang papel na swak sa laro at mayroong siyam na opisyal na papel sa pangkalahatan. Ito ay ang sumusunod.

  • Carries (Nagdadala)
  • Disabler (Nagdidistrungka)
  • Initiator (Nagpapasimuno)
  • Jungler (Nangungubat)
  • Support (Sumusuporta)
  • Durable (Matatag)
  • Nuker (Taga Pinsala)
  • Pusher (Taga-tulak ng lane)
  • Escape (Taga-alpas)

Ang pagpili ng tamang karakter ay mahalagang bahagi ng laro. Ang bawat isa ay may natatanging abilidad at kakayahan at dapat siguruhin ng mga pangkat na mayroon silang maayos na balanse ng magkakaibang papel. Ang hindi balanseng pangkat ay madaling matatalo ng kalaban.

Lahat ng mga karakter ay magsisimula sa laro nang may experience level na isa. Napapataas nila ang kanilang experience level habang nagpapatuloy ang labanan at sila ay napapalakas nito at nagbibigyan ng akses sa mga bagong abilidad. Kahit na maaari silang “mamatay” habang naglalaro, sila naman ay nabubuhay muli matapos ang ilang sandali.

Ang labanan ay nilalaro sa isang mapa. Ang dalawang pangkat ay sumasakop isang kani-kaniyang base na nasa magkasalungat na sulok na kinikonekta ng tatlong daan na tinatawag na lanes. Ang bawat base ay naglalaman ng gusaling tinatawag na “Ancient” at ito ang susubukang sirain ng bawat kalaban habang pinoprotektahan ang sarili nilang ancient.

Karamihan sa mga aksyon sa Dota 2 ay umiikot sa pakikipaglaban ng mga nalalarong karakter ng magkatunggaling pangkat. Mayroon ding mga karakter na pinagagalaw ng kompyuter na tinatawag na “creeps” na makakalaban din. Narito ang screenshot ng isang tipikal na labanan.

Dota 2 Image B

Tandaan na ang pangkalahatang pagtingin na ito sa Dota 2 ay para lamang magsilbing maikling panimula sa laro. Kung hindi ka pa pamilyar kung paano ito laruin, MAHIGPIT naming nirerekomenda na aralin muna ito bago tumaya ng totoong pera.  Hindi ka mabibigyan ng maayos na pagdedesisyon sa pagtaya kung ang batayan lang ang alam mo sa laro. Ang sumusunod na gabay ay magbibigay ng maraming detalye na mainam ding mabasa.

Marahil, ang pinakamainam na paraan upang mapaunlad ang iyong kaalaman sa Dota 2 ay ang laruin mo mismo ito. Hindi ito mahalaga sa lahat ng pagkakataon ngunit siguradong makakatulong ito sa iyo. Mabibigyan ka nito ng mas malawak na pagtingin kaysa sa pagbabasa lamang ng mga nasusulat tungkol dito.

Isang alternatibong paraan ay ang panonood ng mga bidyo sa Youtube. Gayunpaman, kaiba ito sa karanasan at kaalamang makukuha mo kung lalaruin mo mismo ito. Maraming kang mapagpipiliang bidyo na nagtuturo kung paano ito laruin at ang iba ay talagang ginawa nang mahusay. Iminumungkahi naming magsimula ka rito:


Bakit Masyadong Popular ang Dota 2?

Mayroong daan-daang mga bagong video game na inilalabas taon-taon. Ang iba ay matagumpay, ngunit mas maraming hindi. Kaunti lamang ang nagtagumpay na tulad ng Dota 2. Kung gayon ay anong mayroon ang larong ito bakit ito naging pinakapopular? Paano ito tumatak sa maraming mga manlalaro? Pinakamahalaga ay paano nito napapanatili ang mga manlalaro na maglaro nang matagal?

Hindi naman kayang sagutin ang mga tanong na ito. Walang paraan sa kung paanong TIYAK na malalaman kung bakit popular ang Dota ngunit mayroon kaming mga ideya. Naiisip namin ang sumusunod na mga salik:

  • Libreng laruin
  • May pagtuturo at pagggabay sa loob mismo ng laro
  • Nangangailangan ng malalim na pagunawa
  • Maraming mga nilalamang may kaugnayan sa laro
  • Malaking komunidad
  • Nakakapanabik panoorin

Ang katotohanang ang Dota 2 ay libreng laruin ay hindi nagpapaliwanag sa kung bakit maraming tao ang nasisiyahan sa larong ito. Maaari lamang nitong ipaliwanag ay sa kung bakit ito nilalaro. Kahit na sa una’y hindi sila kumbinsido kung magugustuhan ba nila ang laro o hindi, wala namang mawawala kung hindi nila ito susubukan. Lalo na sa panahon ngayon na ang mga laro ay nagkakahalaga ng higit sa $50, ito ay ISANG salik.

Ang Dota 2 ay lubhang “beginner-friendly” o “mabait sa mga baguhan.” Kahit na komplikado ang laro ay hindi naman ito mahirap simulan – salamat sa pagtuturo at paggabay sa loob mismo ng laro. Ito ay parang maiwasan ng mga manlalaro ang agarang pagsuko sa paglalaro. At kapag nalaman na nila talaga kung paano ito laruin, mapagtatanto nilang malalim pala ang laro. Hindi ito ang uri ng laro na mabilis pagsawaan dahil marami kang maaaring gawin at puntahan dito.

Ang lahat ng mga nilalaman na may kaugnayan sa laro ay maaari mo ring puntahan. Kung gusto naman ng mga manlalaro na magpahinga sa aktwal na paglalaro, marami naman silang mapagkakaabalahan, mababasa at mapapanood, na may kaugnayan pa rin sa Dota. Ang malaki at aktibo nitong komunidad ay nakakatulong dahil maraming mga lugar at aspeto ang laro na dapat pag-usapan. Ang Dota 2 subreddit ay isang halimbawa sa mga aktibong lugar ng pag-uusap.

Ang huling salik ay ang pinaka-interesanteng punto. Ang mga manlalaro ay hindi lamang natutuwa sa paglalaro ng Dota 2, kundi ay natutuwa rin silang panooring maglaro ang IBANG manlalaro. Ang mga propesyonal na pagligsahan ay madalas na nakakakuha ng atensyon ng mga manlalaro, subalit hindi lamang dito ito nagtatapos. Maraming mga manlalaro ang nagsasabing natutuwa sila sa “casual” o “karaniwang” paglalaro sa mga streaming channel tulad ng Twitch at ang iba ay nakakahikayat ng maraming manonoood.

Kahit na mas marami pang dahilan sa kung bakit popular ang Dota 2, sigurado kaming ang mga nabanggit ay kabilang sa mga pinakamahalagang mga salik. At sigurado kami sa isang bagay na ang Dota 2 ay hindi agad-agad na malalaos. Matatag at estabilisado na ang kasi ito bilang ang NANGUNGUNANG larong esports atwala kaming nakikitang dahilan para ito’y mabago.

Mga Premyadong Laro sa Dota 2

Ang pinakamahalagang laro sa Dota 2 ay opisyal na tinatawag na “Premier Tournaments” o mga “Premyadong Laro”. Ito ang mga labanang nagtatampok ng pinakamahuhusay na mga pangkat ng mga laro at pinakamamalaking mga premyo. Tipikal itong isinasagawa ng mga kilalang franchise at tagapagsaayos ng mga laro at itinuturing itong LUBHANG prestihiyoso.

May mga ilang Premyadong Laro na nagaganap sa regular (o semi-regular) na panahon. Ang sumusunod ang pinakamalalaki:

  • The International
  • The Dota Major Championships
  • Dota 2 Asia Championships
  • EPICENTER
  • The Summit

Ang International at ang Dota Major Championships ang pinakamataas na labanan sa listahan. Ito ay isinasaayos ng Valve Corporation at mayroong silang MALALAKING papremyo. Mayroong tatlong Major Championshipkada taon at bawat isa ay may nakapirmaing premyo na $3 milyon. Ang International ay isinasagawa isang beses kada taon na ang premyo ay umabot na sa $20 milyon noong 2016 at 2017.

Maaari kang bumasa ng higit pa tungkol sa mga larong ito sa susunod na pahina:

Dota 2 Asia Championships

Dota 2 Asia Championships

Ang Dota 2 Asia Championships ay unang isinagawa noong 2015. Ang unang laro ay mayroong papremyo na umabot sa higit $3 milyon at nagtampok ng 16 na pangkat. Walo sa mga ito ay direktang inimbita habang ang walo ay kinakailangang dumaan sa serye ng kwalipikasyon. Ang Evil Geniuses ang nanalo ng unang gantimpala na may premyong $1284158.

Ang sumunod na laro ay hindi isinagawa hanggang 2017. Sa panahong ito ay mayroon lamang na 12 pangkat. Apat ay direktang inimbita at ang walo ay nagmula sa serye ng kwalipikasyon sa bawat rehiyon. Ang nanalo ay ang Invictus Gaming na isa sa mga nagmula sa serye ng kwalipikasyon. Ang papremyo ay $600000. Kahit na ito ay mas mababa kaysa noong 2015, ito ay itinuring pa rin bilang isa sa mga pinakamalalaking laro ng taon.


Epicenter

EPICENTER

Ang EPICENTER ay unang isinagawa noong 2016. Ito ay itinatag ng Epic Esports Events na ginanap sa Moscow Russia. Ang laro ay hinati sa ilang mga yugto upang maging isang double-elimination bracket. Ang nanalo ay ang Team Liquid at nag-uwi sila ng 50% ng papremyong $500000.

Ang 2017 EPICENTER ay isinagawa rin sa Moscow. Ang papremyo ay nanatiling $500000 at matagumpay na nadepensahan ng Team Liquid ang kanilang titulo.


Dota Summit

The Summit

Ang The Summit ay nagsimulang maisagawa noong 2014. Ito ay inorganisa ng Beyond the Summit at nakapagsagawa na sila ng pitong laro. Ang bawatisa ay isinagawa sa Los Angeles sa isang pribadong tahanan. Ang sakop ng mga laro ay laging may “behind the scenes” na nagpapakita sa kung paano naghahanda ang mga kalahok. Ang papremyo ay madalas na $100000.


Ibinigay namin ang impormasyong ito hinggil sa mga nakaraang laro dahil tingin namin ay interesante itong basahin. Ihahatid din tayo nito tungo sa aming pinakamahalagang payo. Talagang MAHALAGA na ikaw ay laging updated sa mgalaro sa Dota 2 kung ikaw ay tataya sa anumang laro nito. Ito ay dahil sa kailangan mong sundan kung paano naglalaro ang mga pangkat upang maayos kang makapagdesisyon sa pagtaya sa mga susunod na pagligsahan. Kailangan mo ring malaman kung anong laro ang magaganap at kung kailan.

Ang tournament portal ng laro sa Liquipedia ay isang mainam na sanggunian tungkol dito. Makakahanap ka ng mga resulta at ulat mula sa mga nakaraang mga laro at detalye ng mga susunod pang paligsahan. Kailangan mo ring maging mapanuri sa mga blog sa pagtaya. Palagian kaming naglilimbag ng mga preview sa pagtaya sa mga esports at sa iba pang mga paligsahan at ang aming pangkat ng mga eksperto ay madalas na mayroong mahuhusay na tip para sa iyo!