Ang Aming Listahan ng mga Nangungunang Site sa Pagtaya sa Esports sa 2019

Kung babayaran kami ng isang dolyar kada tanong na natatanggap namin tungkol sa pagtaya sa sports, siguradong mayaman na kami. Ngunit mas magiging mayaman kami kung babayaran ng isang dolyar ang bawat tanong na natatanggap namin tungkol sa pagtaya sa ESPORTS. Ang bilang ng umuusbong na katanungan tungkol dito sa relatibong bagong uri ng pagtaya sa sports ay hindi mapapantayan. Sa totoo lang, nagulat kami kung bakit hindi pa nasisira ang aming server dahil sa pagbaha ng email na aming natatanggap.

Kung iisipin, ang dami ng mga tanong na may kaugnayan sa esports ay hindi nakakapagtaka. Sa kadahilanang ang pagtaya sa “tradisyonal” na sports ay mas madaling naiintindihan sapagkat alam na nila ang pasikot-sikot sa sports na kanilang tatayaan. Alam nila kung paano laruin ang football, halimbawa, o ang mga panuntunan sa tennis.

Subalit sa usapin ng pagtaya sa esports, karamihan ng mga tao ay walang kaalaman kung ano ba talaga ang esports. Kung mayroon man ay madalas na ang batayang prinsipyo lamang ang kanilang batid. Kaya SYEMPRE ay mayroon silang mga katanungan. Hindi lamang tungkol sa pagtaya, pati sa mismong sport din.

Ang sakop sa midya ng esports ay patuloy na tumataas nitong mga nakaraang taon kaya mas maraming tao ang nagkaroon ng interes dito. Ang esports ay lumalago, subalit limitado pa rin ang nalalamang impormasyon tungkol dito. Kaya maraming mga tao ang lumalapit sa amin para malaman ang mga bagay na ito at palagi naman kaming handang tumulong.

Isa sa mga tanong na aming madalas marinig ay “Saan ako maaaring tumaya sa esports?” Madali itong sagutin. Maraming mga online na site sa pagtaya ngayon ang sumasaklaw na sa esports kaya mapalad ka dahil marami kang pwedeng pagpilian. Kaya siguro palagi rin kaming tinatanong ng “Ano ang pinakamahuhusay na site sa pagtaya sa esports?” Ito ang kasagutan diyan.

Narito ang Nangungunang Site sa Pagtaya sa Esports sa 2019

RanggoSite sa PagsusugalBonus sa PagdepositoMagsimula na
#1SportsBetting.ag Logo
SportsBetting.ag
50% hanggang sa $1,000Bisitahin ang site
#2MyBookie.ag Logo
MyBookie.ag
50% hanggang sa $1,000Bisitahin ang site
#3BetOnline Logo
BetOnline
50% hanggang sa $1,000Bisitahin ang site
#4XBet Logo
XBet
100% hanggang sa $300Bisitahin ang site

Kung naghahanap ka kung saan ka maaaring tumaya sa esports NGAYON, dumiretso ka na sa pag-sign up sa isa sa mga site na ito. Lahat ng ito ay lubha naming nirerekomenda sa iyo at tiyak naming hindi ka magsisisi sa serbisyong iyong matatanggap. 100% kaming sigurado na ito ang pinakamahuhusay na site sa pagtaya sa esports sa kasalukuyan.

Nais mo bang magkaroon ng higit na kaalaman tungkol sa pagtaya sa esports? Walang problema, sagot ka namin diyan. Para sa listahan ng mga batayang konsepto sa kung ano ang esports, kailangan mong bisitahin ang dalawang susunod na pahina.

Pinagsama-sama rin namin ang ilang magkakahiwalay na pahina sa pagtaya sa mga tiyak na laro na popular sa ngayon. Nilalaman ng mga artikulong ito ang mga ispesipikong detalye ng bawat laro at sa kung paano ito naiiba sa usapin ng pagtaya sa mga labanan.

Ang layunin namin ay maging updated sa mga popular na esports pagdating sa pagtaya para matulungan ka naming humanap ng pinakamahuhusay na lugar online para matayaan sila. Palaging isaisip na ang bawat laro ay may kani-kaniyang uri ng pinakamahusay na estratehiya sa pagtaya kaya siguruhing sinuri mo ang mga pahinang ito kung tataya ka sa mga ispesipikong larong ito.

Niranggo rin namin ang pinakamahuhusay na mga site sa pagtaya sa esports sa ibang kategorya. Maaari mong makita ang pagraranggong ito sa susunod na mga pahina.

Mga Kasagutan sa Madadalas na Itinatanong

Sinagot namin sa pahinang ito ang mga madadalas na katanungan tungkol sa ONLINE na pagtaya sa esports. Nakapaloob dito ang pagpapaliwanag kung bakit namin nirerekomenda ang mga site na nakalista sa itaas. Narito ang kumpletong listahan ng mga tanong na amin nang nasagot.

  • Bakit ninyo nirerekomenda ang mga site na ito?
  • Bakit ko kailangang tumaya online sa esports?
  • Bakit hindi lahat ng mga site sa pagtaya ay sumasaklaw sa esports?
  • Anong mga paligsahan sa esports ang maaari kong tayaan online?
  • Anong klase ng taya sa esports ang maaari kong ipusta online?
  • Maaari ba akong magkaroon ng pera mula sa online na pagtaya sa esports?

Bakit ninyo nirerekomenda ang mga site na ito?

Dahil ito ang pinakamahuhusay! Ito ang simpleng sagot, ngunit batid naming nais mo pa nang higit pang impormasyon. Kaya narito ang listahan ng ilang mga salik na isinaalang-alang namin sa pagdedesisyon sa kung aling mga site ang irerekomenda namin sa aming mga mambabasa.

  • Lisensya at regulasyon
  • Kasaysayan at reputasyon
  • Dali sa paggamit
  • Sakop na mga paligsahan
  • Pagpipiliang moda ng pagbabangko
  • Bilis ng pagbayad (payout)

Marami pa kaming mga isinaalang-alang na mga salik, ngunit ito ang pinakamahahalaga. Bakit? Dahil ito ang may pinakamalaking epekto sa pangkalahatang karanasan mo sa pagtaya. Ang layunin namin sa pagrerekomenda ng mga site sa aming mga mambabasa ay upang masigurong kayo ay magkakaroon ng ligtas at kapanapanabik na karanasan. Kaya kailangan talaga naming siguruhin na ang mga nirerekomenda naming mga site ay naghahatid ng mga eksaktong serbisyo.

Tingnan pa natin nang masinsinan ang bawat salik sa itaas at ipaliwanag kung bakit ito mahalaga.

Lisensya at regulasyon

Nirerekomenda lamang namin yaong mga site na may maayos na lisensya at may pormal na regulasyon. Kahit na hindi nito ginagarantiya ang kabuuang kalidad, ipinapakita naman nito na ang site ay ligtas gamitin. Ang mga site na nagdaan sa proseso ng pagkuha ng lisensya para sa online na pagtaya mula sa kagalang-galang na awtoridad sa paglilisensya ay madalas tumatakbo nang lehitimo at etikal. Nakakalungkot dahil may ILANG tumataliwas, ngunit kakaunti lamang sila.

Ang mga site na WALANG lisensya ang totoong malaking problema. Ibig sabihin ng kawalan ng lisensya ay kawalan din ng karatapatang magpatakbo ng site, subalit walang may-kapangyarihang nagmamatiyag sa kanila. Hindi sila kinokontrol ng pamahalaan kaya malaya silang mandaya sa kanilang mga kliyente nang hindi mahaharap sa anumang kaso. Nakakalungkot, ngunit ito talaga ang ginagawa ng mga site na hindi lisensyado. Dapat na iwasan ang mga site na ito sa lahat ng pagkakataon.

Kasaysayan at reputasyon

Palagi naming sinusuri ang kasaysayan at reputasyon ng mga site bilang bahagi ng proseso ng ebalwasyon para sa pagraranggo ng mga site sa pagtaya. Ito ay isang mabuting paraan para malaman kung ligtas ba itong gamitin.

Kung ang site ay mayroong kasaysayan ng pandaraya o hindi magandang pagtrato sa kanilang mga kliyente o di kaya’y may hindi etikal na gawi, ibig sabihin ay HINDI ito ligtas gamitin. Dahil dito ay walang pagkakataon na irerekomenda namin ito sa iyo.

Sa kabilang banda, kung ang site ay mayroong magandang kasaysayan at positibong reputasyon, TIYAK na isasaalang-alang namin ito. Hindi ginagarantiya ng pagkakaroon ng magandang kasaysayan na magkakaroon ito ng pwesto sa aming pagraranggo, ngunit paniguradong makakapasok ito sa aming shortlist.

Dali sa paggamit

Sa panahon ngika-21 siglo, wala ng dahilan para ang ANUMANG website ay maging mahirap gamitin. Iba ang mga bagay noong bago pa lamang ang internet at nagsisimula pa lamang din sa merkado ang mga site sa pagtaya. Kaya naiintindihan namin kung bakit ang mga naunang mga site ay hindi namin masasabing “user-friendly.” Ngunit mabilis na nagbago ang panahon kaya malaki ang inaasahan namin na pagbabago sa mga unang site na aming ginagamit.

Tinatanggal agad namin ang site na mahirap gamitin at hindi pasok sa aming pamantayan. Ito ay dahil sa dalawang kadahilanan. Una, nagbibigay ito ng impresyon na hindi nila gaanong pinahahalagahan ang kanilang mga kliyente. Pangalawa, nagiging sanhi ito ng hindi maganda o nakakabigong karanasan. Nakakabaliw kapag ang hirap maglagay ng taya kahit madali lang naman dapat!

Sakop na mga paligsahan

Dahil mabilis na tumaas ang popularidad ng esports, MARAMING magkakaibang paligsahan na ang naganap at nagaganap. Marahil ay nais mong tumaya sa karamihan nito kung seseryosohin mo talaga ang pagtaya sa esports. Kahit sa pinakamaliit na pagkakataon, nanaisin mo pa ring gawin ito. Nakakayamot kapag gusto mong pumunta sa isang site para tingnan ang pagkakataong manalo sa isang papalapit na kaganapan tapos malalaman mong hindi pala sila tumatanggap ng pusta para sa paligsahang iyon.

Naiintindihan namin na may ilang mga site sa pagtaya ang hindi pa sumasaklaw sa pagtaya sa esports, gayundin kung bakit hindi nila pinapatayaan ang bawat paligsahang nagaganap. Hindi naman sila pupunahin dahil doon. Subalit hindi rin naman namin sila irerekomenda. Para sa isang site na maging pinakamahusay sa pagtaya sa esports, nararapat na MAYROON itong magandang sakop ng mga paligsahan: hindi ibig sabihin ay BAWAT paglisahan, kundi sana ay kahit yaong mga malalaki lamang.

Mga Pagpipilian sa Pagbabangko

Nais naming makita na maraming moda o paraan ng pagbabangko para sa pagdeposito at pagwithdraw dahil mahalagang mayroong pagpipilian ang mga kliyente. Mayroong gumagamit ng credit o debit card, mayroon din namang hindi. Mayroon ding mga gumagamit ng e-wallet, mayroon namang mas gusto ang direktang deposito sa bangko.

Ang pinakamahuhusay na site ay yaong mayroong mga ganitong moda o mas marami pa. Dagdag pa’y mayroon silang mga moda ng pagbabangko na mas nagpapadali sa proseo ng deposito at pagwiwithdraw.

Bilis ng pagbayad (payout)

Dapat na naaayon sa oras at panahon ang pagbabayad ng mga site sa pagsusugal sa kanilang mga kliyente. Ito ay isa sa mga PINAKAMAHALAGANG salik na aming tinitingnan kapagka nagraranggo ng mga site sa pagsusugal sa anumang kategorya. Kung manalo, inaasahan na darating sa iyo ang pera sa resonableng haba ng panahon. Walang dahilan para maghintay ang sinuman nang higit pa sa dalawa o tatlong araw.

Ang lahat ng site sa aming listahan ay hindi nakikipaglokohan pagdating sa pagbabayad sa mga kliyente. Kung manalo ka, paniguradong makukuha mo ang pera mo. At hindi mo na kailangan pang maghintay nang matagal.

Mga Kaugnay na Katanungan
  • Ginagamit NIYO ba ang inyong mga nirerekomendang site?

Oo. Hindi namin basta-basta lamang pinipili ang aming mga nirerekomenda!

Sa totoo lang, tama naman ang tanong na ito. Maraming mga website na nagraranggo at nagrerekomenda ng mga site sa pagsugal at ang ilan dito ay PUMIPILI na lamang basta-basta. O mas malala pa’y nirerekomenda lamang nila ang site na nagbabayad sa kanila ng malaking halaga. Anuman dito, paniguradong hindi nila ginagamit ang site na kanilang nirerekomenda.

Ngunit, ibahin mo kami. Sa totoo lang, gumagamit kami ng SOBRANG DAMING mga site sa pagsusugal. Sinisiguro kasi namin na ang bawat nirerekomenda naming site ay updated kaya palagi naming ginagamit at sinusubok ang lahat ng magkakaibang opsyon. Pinapakita nito kung aling mga site ang bumubuti at aling mga site ang naiiwang atrasado. Ibig sabihin din nito ay alam namin ang pinakamahuhusay na mga site sa pansarili naming pagtaya. At sa pagkakataong ito ay nirerekomenda namin ang mga site na tinatayaan din namin pagdating sa esports.

  • Dapat ko bang salihan ang LAHAT ng mga site na ito?

Nasa sa iyo iyan. Siguradong HINDI MO KAILANGANG salihan ang lahat, pero marami kang makukuhang benepisyo kung magkakaroon ka ng higit pa sa isang account.

Una, hinahayaan ka nitong magmasid sa lahat ng lugar upang malaman mo kung saan ka mas may malaking pagkakataong manalo. Maaari nitong mapabuti ang iyong pangkalahatang resulta kaya siguradong mahalaga ito. Ikalawa, hinahayaan ka nitong magkaroon ng bentahe sa pagkakaroon ng maraming bonus at reward.

  • Mayroon ba kayong mga irerekomendang site?

Hindi ispesipiko sa pagtaya sa esports, wala. Gayunpaman, nagrerekomenda kami ng ilang mga site sa pagtaya sa tradisyonal na sports. Karamihan sa mga ito ay sumasaklaw rin sa esports kaya mainam itong isaalang-alang lalo na kung naghahanap ka ng maraming pagpipilian.

Bakit ako tataya online sa Esports?

Ang pagtaya online ay ang pinakamadali at pinakamaginhawang paraan sa pagpusta sa esports. Dagdag pa’y mas nagbibigay ito ng oportunidad upang makalikom ng karagdagang bonus at reward. Sa oras na makuha mo ang lahat ng bentaheng ito, masasagot mo mismo ang tanong mo kung bakit ka tataya online.

May pagkakataon ding online na pagtaya lang ang NATATANGI mong pagpipilian. Totoo ito, pwera na lamang kung nakatira ka o gusto mong maglakbay sa United Kingdom o Nevada para personal na pumusta sa mga oras na gusto mong tumaya.

Alam namin na ang ilan (ngunit hindi lahat) ng mga pamilihan sa UK ay tumatanggap ng mga pusta sa esports, pero hindi kami sigurado kung ito rin ang patakaran sa ibang bansa ngayon. Ang natatanging paraan upang personal na tumaya ay ang casino sportsbooks sa Nevada. Sa ngayon, limitado ang mga pagpipilian.

Ang mga sportsbook sa Nevada ay kinakailangang mag-apply sa kanilang tagapagsuri sa tuwing tatanggap sila ng pusta sa BAWAT laro. Karamihan sa mga sportsbook ay hindi ito ginagawa sa kanilang mga paligsahan. Sa maniwala ka’t sa hindi, noong bago lamang matapos ang 2016 nang naganap ang kauna-unahang pustahan sa esports sa Nevada. Nakakagulat ito dahil bago pa man ito mangyari ay tumataya na ang mga pumupusta sa esports online.

Mga Kaugnay na Katanungan
  • Legal ba ang pagtaya sa esports online?

Mahirap itong sagutin dahil magkakaiba ang batas sa bawat bansa. Ang masasabi lang namin ay walang batas SAANMAN sa mundo na direktang nagsasabing hindi legal ang pagtaya sa esports online. Dahil dito, hindi mo na kailangang mag-alala kung lalabag ka sa batas.

Mayorya naman ng mga batas tungkol sa pagtaya sa esports online ay halos kapareho rin ng mga batas tungkol sa pagtaya sa sports online. Ang paksang ito ay sinaklaw namin nang masinsin sa aming artikulo tungkol sa mga batas sa pagtaya sa sports.

  • Ligtas ba ang pagtaya sa esports online?

Oo, basta’t mananatili ka sa mga may reputasyon at mapagkakatiwalaang mga site. Ang mga site na nirerekomenda namin ay siguradong ligtas, dahil kung hindi ay hindi namin ito irerekomenda!

  • Magkano ang kailangan ko para makataya online?

Hindi gaanong malaki. Ang minimum na deposito sa karamihan sa mga site sa pagtaya sa esports online ay relatibong mababa. $10 ang madalas na pamatayan at mas mababa pa sa ibang mga site. Ang pinakamababang maaaring mapanalunan ay madalas na isang dolyar.

Bakit hindi LAHAT ng mga site sa pagtaya ay sumasaklaw sa esports?

Magandang tanong! Mahirap malaman kung bakit, lalo na kung isasaalang-alang mo ang malaking popularidad ng esports ngayon. Ang mga posibleng rason ay ang sumusunod.

  • Kawalan ng mapagkukunang salapi
  • Hindi sigurado sa industriya
  • Mga isyu tungkol sa legalidad

Ang kawalan ng mga mapagkukunan ay maaaring hindi rason para sa malalaking site na magkaroon ng pagtaya sa esports. Sila ay madalas na pagmamay-ari ng malalaking kompanya kaya marami silang pagkukunan ng salapi at madali para sa kanilang idagdag ang esports sa mga inaalok nila sa merkado. Kaya rin nilang kumuha ng mga eksperto para taasan ang presyo ng mga ito.

Walang ganitong mapagkukunan ang mga maliliit na mga site. Karamihan sa kanila ay pinapatakbo lamang ng maliit na puhunan at ang ilan ay hindi gaanong kumikita. At ang pagdagdag ng esports sa kanilang merkado sa tayaan ay hindi pa mahalaga sa puntong ito. Hindi ganoon kadali ang maglaro ng pagkakataon at linya na pagkatapos ay bigla na lamang kikita. Nangangailangan ito ng mahabang panahong pagdedesisyon.

Ang ilang mga site ay hindi naman sigurado kung ang esports ay patuloy na lalago. Naiintindihan namin ito noong mga nakaraang taon, pero sa tingin namin ay mananatili ang esports nang mahabang panahon ngayon. Nasa mainstream na sila ng industriya at malawakang tinatanggap at umuunlad nang umuulad. Kaya ang mga site na nagpipigil pa dahil sa dahilang ito ay mali, sa aming opinyon.

Naiintindihan pa namin ang mga isyu ng legalidad. Kung ang site ay nasa isang rehiyon na ang legalidad ng pagtaya sa esports ay hindi pa tiyak, natural lamang na hindi nila ito papasukin. Ito ay lehitimong dahilan kung bakit ang ilang site ay wala pang serbisyo para sa pagtaya sa esports, ngunit sana ay hindi na ito magtagal. Sa bilis ng paglago ng industriya, nais naming isipin na mapapansin ito ng mga tagagawa ng batas sa buong mundo at maaasikaso nila ang naturang mga alalahanin.

Nagiging positibo lamang kami!

Anong mga paligsahan sa esports ang maaari kong tayaan online?

Nagbabago ito sa bawat site. Tulad ng nabanggit namin, hindi pare-pareho ang saklaw nila na mga laro. Ang mga mahuhusay na site ay sumasaklaw sa mayoryang mga paligsahan. Narito ang listahan ng mga torneo at liga na makikita mo sa nangungunang mga site.

  • The International
  • Dota 2 Asia Championships
  • Smite World Championships
  • Halo World Championships
  • Starcraft II World Championship Series
  • Major League Gaming Pro Circuit
  • World Cyber Games
  • Evolution Championship Series
  • Intel Extreme Masters
  • Call of Duty Championship
  • League of Legends World Championships
  • Frankfurt Major
  • Shanghai Major
  • Capcom Cup/Capcom Pro Tour

Maaari kang magbasa pa tungkol sa mga larong ito sa susunod na pahina.

Anong klase ng taya sa Esports ang maaari kong ipusta online?

Depende ito sa dalawang bagay. Una, depende sa kung anong site ang ginagamit mo. Ito ay dahil ang mga pagpilian sa pagtaya ay nagbabago mula sa isa patungo sa isa. Ikalawa, depende sa kung anong paligsahan o laro ang iyong tatayaan. Ang ilang pagpusta ay maaari lamang gawin sa mga piling paligsahan o laro.

Ang pustahang palagi mong pwedeng tayaan ay ang match winner wager o ang pagtaya sa tunggalian. Ito ay ang simpleng pagtaya sa kung sinong pangkat o manlalaro ang sa tingin mong mananalo pagtapos ng tunggalian. Maaari itong gawin sa lahat ng mga site sa pagtaya sa esports at sa anumang paligsahan.

Mga Kaugnay na Katanungan
  • Ano ang pinakamahuhusay na pusta sa esports ang pwede kong itaya?

Walang pusta ang “mas mainam” kaysa sa isa. Depende kasi ito sa pangyayari. Ang isang pusta ay maaaring maging mas mainam habang ang isa naman ay maaaring mas mainam din depende sa uri ng pangyayari. Ang mahalaga ay palagi mong maingat na iniisip kung anong pusta ang mas magbibigay sa iyo ng malaking pagkakataon para manalo ng pera.

  • Ano ang mga pustang in-play sa esports?

Ito ang mga pusta na maaari mong itaya MATAPOS mangyari ang isang paligsahan. Karamihan sa mga pustang maaari itaya bago ang paligsahan ay maaari ring tayaan sa in-play at madalas na mayroon pang ibang mga paraan. Kasama rito ang pagpusta sa susunod na manlalarong makakapatay o ang susunod na manlalarong makakakumpleto ng mapa.

Maaari ba akong magkaroon ng pera mula sa online na pagtaya sa esports?

Oo. Talagang KAYA mo. Ngunit, mananalo ka ba? Ito ay panibagong tanong na. Depende ito sa kung gaano na kalawak ang alam mo sa esports at kung gaano kahabang pagsisikap ang kaya mong ilaan sa pagtaya.

Kung marami ka nang alam tungkol sa esports o di kaya’y handa ka nang matuto pa, siguradong magkakaroon ka ng pagkakataong manalo. Hindi ito madali, kaya kailangan mong magsikap. Kailangan mong subukang magdebelop ng ilang mga estratehiya para manalo at ang kailangan mong manaliksik at magsuri nang mabuti sa bawat desisyon mo sa pagtaya.

Sa tingin mo ba ay taglay mo ang mga katangiang ito? Kahanga-hanga! Narito kami upang tulungan kang magtagumpay. Hindi man perpekto ang paraan namin para manalo ng pera mula sa pagtaya sa esports, ngunit mayroon naman kaming mga kapaki-pakinabang na mga tip para sa iyo. Tingnan ang pahina sa ilalim para sa karagdagang impormasyon.

Mayroon lang kaming huling bagay na gustong sabihin. Kung talagang INTERESADO KANG subukan ang pagkakataon mong manalo ng pera mula sa pagtaya sa esports, NGAYON na ang tamang panahon.

Naniniwala kami na ang pagtaya sa esports ay mas magiging mahirap sa hinaharap dahil darami nang darami ang kaalaman ng mga bookmaker at mga site sa pagtaya tungkol sa mga laro at paligsahan. Sa ngayon, limitado pa ang kanilang nalalaman. Maaaring hindi pa sila ganoon kaalam tungkol sa esports kumpara sa taas ng kaalaman nila sa tradisyonal na sports kaya makakaya mo pa silang maisahan at manalo.

Ano pang hinihintay mo? Magsimula ka na NGAYON habang naririto pa ang oportunidad. Gamitin ang listahan ng aming mga rekomendadong site para magkaroon ng mas mataas na pagkakataong manalo!