Ekspertong Gabay sa Pagtaya sa Esports sa 2019

Ang pagtaya sa esports ay isang MALAKING bagay na ngayon. Ito (ay relatibong) bagong uri ng pagtaya na mabagal mang nagsimula ay agad namang nakahikayat ng maraming manlalaro noong mga nakaraang taon. Ang paglago ay biglaan at talagang naging malakas kaya ipinapalagay na ang global na merkado sa pagtaya sa esports ay aabot sa halagang $30 bilyon sa taong 2020.

Napakalaking numero nito lalo na kung ituturing mong “minamatyagan” pa rin ng pamahalaan ang ilang aspeto ng esports. Malaki na ang bilang ng mga tagasunod ng esports sa panahon ngayon, ngunit hindi pa rin nito kayang pantayan ang dami ng mga tagasunod ng sports tulad ng soccer, football, at tennis. Karamihan kasi ng mga taong hindi tagasunod ng esports ay walang ideya sa kung tungkol saan ito. Wala silang tiyak na kaalaman tungkol sa pagtaya sa mga larong ito.

Ano nga ba ang esports? At paano gumagana ang pagtaya sa esports?

Malalaman mo ang sagot sa mga katanungang ito (at marami pa) sa komprehensibong gabay na ito sa pagtaya sa esports. Masusi itong nilikom ng aming pangkat ng mga eksperto upang tulungan ang SINUMANG may interes sa pagtaya sa esports. Mayroong inilaan na seksyon para sa pagpapaliwanag ng lahat ng tungkol sa esports at isa pa na sasaklaw sa kung paano gumagana ang pagtaya rito.

Mayroon ding ilang mga batayang tip sa pagtaya para sa mga baguhan kasama ng ilang mga mataas na antas ng pagpapayo para sa estratehiya. Nirerekomenda namin ang pinakamahuhusay na mga site sa pagtaya sa esports at mayroong inilaang seksyon para sa mga bagong balita, gayundin sa detalye ng mga magaganap na laro.

Siguradong makakatulong kami upang makapagbigay sa iyo ng kasayahan sa uring ito ng pagtaya at ang aming payo ay maaari pang makatulong sa iyo upang manalo ng pera. Maaari mong basahin ang buong pahinang ito para sa iba pang impormasyon tungkol sa kung ano ang saklaw ng laro o gamitin mo ang mga link na ito upang dumiretso sa pagbasa ng iyong mga hinahanap.

Lahat ng Tungkol sa Esports

Ang seksyong ito ng gabay sa pagtaya sa esports ay para sa mga talagang bago sa esports at para maipaliwanag namin kung tungkol saan ang uri na ito ng sports at ano ba ang sinasaklaw nito. Magsimula tayo sa isang mabilis na panimula sa kung tungkol saan ba talaga ang esports.

Ang katagang “esports” ay pinakaikling bersyon ng “electronic sports” at ito ay tumutukoy sa video gaming. Sa madaling sabi, pinag-uusapan natin ang tungkol sa mga taong naglalaro ng video game laban sa isa pang manlalaro sa loob ng isang paligsahan. Hindi na ito bago dahil nangyayari na ito noon pa man sa mga bahay-bahay nang nagsimula ang unang bersyon ng mga computer at nang lumabas ang mga gaming console.

Palaging naglalaro ng video game ang mga tao sa bahay.

Milyon-milyong mga tao sa buong mundo ang natutuwang naglalaro ng kanilang paboritong video game laban sa kaibigan o kapamilya.

May mga panahong ang NATATANGING paraan sa paglaro ng video game laban sa “totoong” kalaban ay ang paglalaro nang magkasama sa iisang kompyuter o console. Subalit sa panahon ngayon ay maaari ka nang makipaglaro gamit lamang ang internet. Ibig sabihin, maaari ka nang makipaglaban sa sinuman at saanman sa mundo habang nakaupo ka lang sa bahay.

Ayon sa mga ulat, mahigit ISANG BILYONG mga tao na ang bahagi ng video gaming sa anumang uri nito. Ito ay isang kahanga-hangang datos na nagpapakita kung gaano naging popular ang video gaming. Hindi lahat ng manlalaro ay nakikipaglaban sa iba pang manlalaro dahil ang ilan ay natutuwa pa ring maglaro nang mag-isa, gayunpaman ay hindi maikakailang mas gusto ng karamihan na makipaglaro sa isang totoo at buhay na kalaban.

Karamihan sa mga manlalarong ito ay tinatawag na “casual gamers” o “mga kaswal na manlalaro.”

Ang mga casual gamer ay madalas na naglalaro lamang upang maglibang. Marami sa kanila ay pumapasok sa online na paligsahan at naglalaro sa mga organisadong patimpalak, subalit sila ay naglalaro lamang talaga para maglibang. Kahit na ang karaniwan at impormal na mga patimpalak na ito ay teknikal na inuuri bilang esports, ang salitang ito ay madalas na ginagamit sa propesyonal na tagpuan.

Oo, mayroon tala tayong tinatawag na “professional video gaming scene.” Maaaring ikagulat mo kung bago ka sa esports, ngunit ito ay 100% katotohanan at isa ring MAYORYANG tagpuan. Kung ikaw ang manlalaro ay malalaman mong ang casual gaming ay maaaring maging isang mainit na labanan, ngunit ang propesyonal na esports ay nasa mas mataas na lebel. Ilan sa mga malalaking paligsahan ay kinakikitaan ng mga pangkat at manlalarong naglalaban para sa papremyong milyon-milyong dolyar.

Maraming mga propesyonal na paligsahan sa esports ay ginaganap nang live sa harap ng mga manonood.

Madalas na ang mga propesyonal na paligsahan sa esports ay ginaganap nang live sa harap ng mga manonood sa loob ng mga stadium at arena.

Ang mga paligsahang ito ay hindi lamang nakakahikayat ng maraming live na manonood, kundi mga milyon-milyong manonood at tagasubaybay rin online sa pamamagitan ng streaming sa YouTube at Twitch.tv. Kahit sa mga malalaking network ng telebisyon ay may mga nagbabalita tungkol sa mga paligsahang ito tulad ng ESPN na nagpapalabas ng mga esports sa kanilang channel.

Kaya tulad ng aming sinabi, ang propesyonal na esports ay isang malaking usapin na ngayon. Ipapaliwanag namin ito nang mas masinsin sa sumusunod na mga artikulo. Ito ay dapat mong basahin kung talagang gusto mong maintindihan kung tungkol saan ba ang esports.

Sinasaklaw ng artikulo sa taas ang lahat ng mga mahahalagang aspeto ng esports na dapat mong malaman. May ilang mga MAHAHALAGANG aspeto na ipinaliwanag namin nang masinsinan sa ibang mga pahina. Ito ay ang sumusunod:

  • Mga Larong Esports
  • Mga Torneo at Ligang Esports
  • Mga Pangkat at Manlalaro sa Esports

Bago ka magsimula sa pagtaya sa esports, MAHALAGANG mayroon kang sapat na kaalaman kahit sa ilan lang na mga video game na madalas laruin. At walang ibang paraan sa paggawa nang maayos na mga desisyon kung hindi mo alam ang paraan ng palaro ng esports. Hindi mahalagang expert o sobrang mahusay ka, subalit kailangang alam mo at naiintindihan mo kung paano nilalaro ang isang laro at ang ilan sa mga estretehiyang ginagamit dito.

Kahit na mayroong dose-dosenang magkakaibang esports, ang mayorya ng mga propesyonal na paligsahan ay nilalaro lamang ng mga pinakatanyag na pamagat. Narito ang listahan ng ilang madalas na nilalaman ng mga paligsahan:

Mga Popular na Larong Esports

Battlefield
Battlefield
Call of Duty
Call of Duty
Counter-Strike Global Offensive
Counter-Strike Global Offensive
Dota 2
Dota 2
FIFA Football/Soccer
FIFA Football/Soccer
Halo
Halo
Hearthstone: Heroes of Warcraft
Hearthstone: Heroes of Warcraft
Heroes of the Storm
Heroes of the Storm
League of Legends
League of Legends
Overwatch
Overwatch
PUBG
PUBG
Rocket League
Rocket League
Smite
Smite
Starcraft II
Starcraft II
Street Fighter
Street Fighter
Super Smash Bros.
Super Smash Bros.
World of Tanks
World of Tanks

Tandaan na hindi mo kailangang alamin ang LAHAT ng mga larong ito. Subalit kailangan ay alam mo ang larong pinaplano mong tayaan. Maaari ka naming matulungan dito dahil nagbibigay kami ng komprehensibong mga gabay sa bawat isa sa mga larong nakalista sa itaas. Tingnan ang sumusunod na pahina para sa karagdagang impormasyon.

Importanteng pareho mong alam ang istruktura at pormat ng anumang paligsahan sa esports na pinaplano mong tayaan. Muli, ito ay upang matulungan kang gumawa ng mabuting pagdedesisyon sa pagtaya. Mayroong daan-daang mga laro at liga na nagaganap sa buong mundo, ngunit maaaring ang pinakamainam na gawin ay ang magpokus sa pinakamalalaking laro bilang panimula. Narito ang listahan ng mga pinakamataas na uri ng paligsahan sa esports sa panahong ito:

Mayoryang mga Laro at Ligang Esports

The International Dota2 Championships
The International Dota2 Championships
ELEAGUE
ELEAGUE
Capcom Pro Tour
Capcom Pro Tour
Call of Duty Championship
Call of Duty Championship
eGames
eGames
Evolution Championship Series
Evolution Championship Series
Major League Gaming
Major League Gaming
Intel Extreme Masters
Intel Extreme Masters
Battle.net World Championship Series
Battle.net World Championship Series
Halo World Championships
Halo World Championships
League of Legends World Championships
League of Legends World Championships
World Electronic Sports Games
World Electronic Sports Games

Tingnan ang sumusunod na pahina para sa karagdagang impormasyon tungkol dito (at sa iba pang mga laro).

Kailangan mo ring alamin kung sino ang mga manlalaro at mga pangkat na lalahok sa paligsahan sa esports na madali mo rin namang malalaman. Tataya ka ba sa football nang hindi nalalaman kung sino ang magkalaban? E kung sa paligsahan sa tennis ng dalawang manlalarong hindi mo pa naririnig kung sino? Nais naming isipin na hindi ka tataya at hindi ka talaga dapat tumaya sa isang paligsahan sa esports nang hindi mo nalalaman ang lahat tungkol sa mga kalahok.

Itinatampok sa susunod na pahina ang mga detalye ng mga kasalukuyang pinakamahuhusay na pangkat ng manlalaro ng esports. Tandaan na pinapanatili naming updated ang pahinang ito sa abot ng aming makakaya, ngunit nirerekomenda pa rin namin na magsagawa ka ng personal na pananaliksik sa mga susunod na panahon. Ang mga bagay ay maaaring mabago nang MABILISAN sa tagpuang esports.

Mayroong tatlo pang pahina sa seksyon na ito ng aming gabay. Sa katotohanan, hindi namin itinuturing ang mga ito na mahahalagang babasahin at walang anuman dito na KAILANGAN mong malaman. Sadyang sinasaklaw lamang nito ang ilang mga kaugnay na paksa na sa tingin namin ay magkakaroon ka ng interes at ang lahat naman ay mahalagang basahin, batay sa aming opinyon. Kaya kung maaari ay basahin mo pa rin ito kung mayroon kang panahon.

Para sa mga Baguhang Tataya sa Esports

Sa oras na maintindihan mo na kung tungkol saan ang esports (o kung alam mo na), handa ka nang malaman ang mga bagay tungkol sa pagtataya. Iminumungkahi naming magsimula ka sa sumusunod na artikulo na nagpapaliwanag ng mga batayang konsepto sa pagtaya sa esports na dapat mong malaman.

May iba’t ibang paraan sa pagtaya sa esports. Narito ang listahan ng mga pinakatanyag na pagpipiilan.

  • Pagtaya ng Totoong Pera
  • Pagtaya ng Skin
  • Social betting (Pagtayang Pangkomunidad)
  • Fantasy betting (Pagtaya sa Birtwal na Karakter)
  • Challenge Betting (Pagtaya upang Humamon)

Narito ang maikling panimulang impormasyon tungkol sa mga pagpipilian ito.

eSportsPagtataya ng Totoong Pera

Ito ang uri ng pagtaya sa esports na pinakamalapit sa tradisyonal na pagtaya sa sports na madalas na gumagana tulad ng sa pamamaraan ng pagtaya sa mga torneo ng football, boksing, o golf. Maglalagay tayo ng totoong perang pantaya sa napagkasunduang moda at mababayaran ng panalo kung ang pinili natin ay tama. Maaari tayong tumaya sa lahat ng uri ng magkakaibang kahihinatnan kasama ang mga panalo sa mga indibidwal na labanan at ang mga pangkalahatang nagwagi sa mga torneo.

Narito ang screenshot na nagpapakita ng ilang mga merkado sa pagtaya na maaaring gawin sa paparating na torneo sa League of Legends.

Madalas na mayroong mga merkado sa pagtaya na maaaring gawin para sa indibidwal na labanan sa esports.

Sasaklawin namin ang mas maraming impormasyon tungkol sa pagtaya ng totoong pera sa susunod na artikulo.

EsportsPagtaya ng Skin

Ang pagtaya ng skin na kilala rin sa pagtaya ng item ay ang PINAKAPOPULAR sa mga tagasunod ng esports. Marami sa mga tinatampok na birtwal na salapi at iba pang mga item sa mga modernong video game na maaaring ilipat sa pagitan ng mga manlalaro ay mahigpit lamang na pinapayagan sa pagitan ng mga manlalarong tapat at labis na nakatuon dito. Bilang resulta, marami nang mga website para sa subasta at kalakalan kung saan ang mga manlalaro ay bumibili, nagbebenta, at nagpapalit ng mga item at pera para sa ibang mga popular na video game.

Mayroon ding mga site sa pagtaya kung saan ang mga manlalaro ay maaaring gumamit ng mga item at pera para sa pagsusugal. Maaari nila itong gamitin para sa kalalabasan ng paligsahan sa esports bilang kapalit ng totoong pera na maaari rin nilang magamit sa iba pang uri ng pagsusugal. Halimbawa, mayroong mga site kung saan ang mga item ay maaaring gamitin sa mga laro ng pagkakataon (games of chance) tulad ng roleta o kahit ng simpleng pagpitik sa barya (coin flip).

Maaaring gamitin ng mga manlalaro ang mga item sa loob ng laro para sa pagsusugal o kahit ang simpleng pagpitik sa barya (coin flip).

Ang ilang mga site ay mayroong mga larong jackpot kung saan ilalagay ng mga manlalaro ang kani-kaniyang skin sa loob ng pot at ang mananalo ng buong pot ay random na pipiliin. Maaari kang bumasa ng higit pa tungkol sa mga larong ito sa susunod na pahina.

EsportsSocial betting (Pagtayang Pangkomunidad)

Ang social betting ay karaniwan sa komunidad ng esports kung saan ang mga kaibigan o online na kakilala ay impormal na tumataya para sa kalalabasan ng mga pangyayaring kanilang nilalahukan. Ang mga pagtayang ito ay MAAARING para sa totoong pera, ngunit madalas na para sa mga skin o item. Ang mga termino ng kasunduan ay sinasang-ayunan ng dalawang partido at tsaka isinasaayos nang mabuti.

Hindi ito isang uri ng pagtaya na nirerekomenda namin na salihan mo dahil ang pagtaya sa mga kaibigan sa “totoong mundo” ay madalang na maging mabuting ideya dahil maaari itong magbunsod ng hindi pagkakaintindihan at awayan. At ang pagtaya sa mga taong nakilala mo lamang online ay mapanganib dahil hindi ka sigurado kung babayaran ka nito sa oras ng iyong pagkapanalo.

EsportsFantasy Betting (Pagtaya sa Birtwal na Karakter)

Sa teknikal na usapin, ito ay hindi uri ng pagtaya dahil tulad lamang ito ng nakasanayang fantasy sports sa tradisyonal na sports, ngunit binuo namin ang listahan sa pamamagitan ng mga manlalaro sa esports.

Hindi pamilyar sa daily fantasy sports? Hindi mo kailangang mag-alala. Basahin mo lamang ang susunod na artikulo upang maintindihan mo ang lahat ng tungkol dito.

EsportsChallenge betting (Pagtaya upang Humamon)

Tinatawag ding head-to-head betting, ito ay ang laro kung saan ang mga manlalaro ay naglalaban sa isa’t isa para manalo ng mga item at skin. Maraming mga manlalaro na nagsasaayos ng pagtaya sa pagitan lamang nila at pinag-uusapan na lamang ang napanalunan pagkatapos ng paligsahan. Mayroon ding mga website na nagsasaayos ng mga bagay sa mas pormal na usapin kung saan ang mga manlalaro at/o mga pangkat ay kinakailangang magbayad ng entry fee upang makapasok sa paligsahan at ang (mga) winner ay gagantimpalaan mula sa mga nakolektang bayad.

Ang magkakaibang pagpipilian na ito ay mainam kung iyong susubukan, ngunit may ilang maaaring mas bagay sa iyo kaysa sa iba. Walang masyadong dahilan para sumali ka sa challenge betting kung halimbawa ay hindi ka naman talaga manlalaro.

Para sa mas maraming tao, ang pagtaya ng totoong pera sa esports ang kumakatawan sa pinakamahusay na pagkakataon upang gumawa ng regular at palagiang panalo. Ginawa namin itong pokus na gabay dahil sa parehong kadahilanan. Ang mga tip at pagpapayo sa estratehiya na inaalok namin sa susunod na seksyon ay maaaring gamitin sa uri na ito ng pagtaya sa esports.

Mga Tip sa Pagtaya & Pagpapayo para sa Estratehiya

Ang pag-alam sa kung paano tumaya sa esports ay mahalagang bagay, ngunit ang pag-alam sa kung paano ka MAGKAKAROON NG PERA mula sa pagtaya sa esports ay higit pa rito. Marami kang dapat malaman kung gusto mong talunin ang mga bookmaker at gawin itong pangkalahatang panalo. Kailangan mo ring magkaroon ng mahabang pasensya at dapat na maging handa ka sa paglalaan ng maraming oras at pagsisikap.

Handa ka na ba sa hamon? Magaling! Kung gayon ay talagang matutulungan ka namin. Tandaan mo lamang na ang pagtaya sa esports ay HINDI palagiang tungkol lamang sa pagkakaroon ng pera. Sapagkat wala namang mali kung gusto mo lamang tumaya para maglibang.

Sa ganoong punto, tingnan natin kung paano ka namin matutulungan. Ang una mong dapat malaman ay ang mayroong MARAMING pagkakatulad ang pagtaya sa esports at ang pagtaya sa tradisyonal na sports. Sa ganitong dahilan ay marami kaming nirerekomendang mga artikulo na nasa aming pangunahing gabay sa pagtaya sa sports na mainam na basahin mo. Inilista namin ang mga ito sa ilalim, at kahit na ang lahat ng ito ay nakasulat para sa pagtaya sa tradisyonal na sports, pakatandaan na ang mga impormasyon at payong nilalaman nito ay tiyak na makakatulong sa iyo pagdating sa pagtaya sa esports.

Pag-unawa sa mga Pagkakataon & Pagkalkula ng Panalo

Ang mga pagkakataon ay mananatiling pagkakataon kahit ano pa man ang iyong tatayaan. Dito namin ipinaliwanag ang batayang konsepto kung paano gumagana ang mga pagkakataon at tuturuan ka rin nito sa pagkalkula ng mga posibleng panalo.

Bankroll Management & Mga Simpleng Plano sa Pagtaya

Ang maayos na bankroll management (pagsasaayos sa bangko) ay mahalaga para sa lahat ng manunugal at ang artikulong ito ay nagbibigay ng ilang mga payong maaaring magamit sa pagsasaayos ng iyong pera upang maiwasan ang pagka-bangkarote.

Paghahanap ng Halaga sa Pagtaya sa Pagkakataon

Ang konsepto ng halaga (value) ay isang bagay na dapat malaman ng mga mananaya kaya pinagsama-sama namin sa artikulong ito ang masinsing pagpapaliwanag sa naturang konsepto at tuturuan ka rin namin kung paano matukoy ang halaga kapag tumataya.

Epektibong Pananaliksik at Pagsusuri

Ipinaliliwanag sa artikulong ito kung bakit mas madali ang pagtaya kapag mayroon kang tama at wastong kaalaman. Naglagay rin kami rito ng ilang mga payo kung paano mo bibigyang-kahulugan ang mga mahahalagang impormasyon sa tamang paraan.

Pagtatago ng Rekord & Pagsusuri sa Kagalingan

Ang pagtatago ng mga rekord at pagsusuri sa iyong galing sa pagtaya ay tiyak na makakatulong at dito ay tuturuan ka namin kung paano ito gawin nang epektibo.

Pagkukumpara sa mga Pagkakataon & Line Shopping

Ito ay isa sa mga madadaling paraan kung paano mo mapapabuti ang resulta ng iyong pagtaya kaya pinagsama-sama namin dito ang detalyadong gabay sa kung ano ang dapat mong gawin at bakit ito kailangan.

Naglagay rin kami ritong ilang mga artikulo na may payong ispesipiko sa pagtaya sa esports. Ang isa ay nagtatampok ng koleksyon ng mga simpleng tip na madaling sundin at ang isa naman ay mas mataas na antas ng mga detalye tungkol sa estratehiyang may kinalaman sa pagtaya sa esports.

Mga Rekomendadong Site sa Pagtaya sa Esports

Mahirap na gawain noon ang paghahanap ng maayos na site sa pagtaya sa esports dahil kaunti lamang ang mga ito. Subalit hindi na ito ang kaso sa ngayon. MARAMI nang mga bagong site sa pagtaya sa esports na inilabas noong mga nakaraang taon at ang ilan sa mga site sa pagtaya sa tradisyonal na sports ay mayroon na ring pagtaya sa esports.

Kahit na ang pagtaas ng bilang ng mga site ay isang mahalagang bagay, gayunpaman ay nahaharap pa rin tayo sa isang bagong hamon – Alin sa mga ito ang dapat na gamitin? Maraming mga pagpipilian at hindi ito isang madaling desisyon.

Isang payo namin ay ang paulit-ulit na pagtingin sa buong nilalaman ng mga website at DAPAT kang maging mapanuri pagdating sa pagpili ng mga site sa pagsusugal. Ganito rin ang dapat mong gawin sa pagpili ng site sa pagtaya sa esports, tulad ng sa pagpili ng online na casino o site sa online na poker.

Bakit mo kailangang maging sobrang maingat?
Sapagkat hindi lahat ng mga site ay nakakatugon sa parehong mga pamantayan.

Ang ibang site ay talagang mas mataas ang kalidad, ngunit may iba ring may LUBHANG mababang kalidad. May mga site na hindi mo dapat pagkatiwalaan ng iyong pera kaya mahalagang hindi ka agad-agad na nagsa-sign up sa random na site ng pagtaya sa esports. Kailangan mong masiguro na tanging ang mga may mataas na kalidad lamang ang iyong pagkakatiwalaan. Narito ang ilan naming rekomendadong mga site na nakatugon sa aming mga pamantayan.

RanggoSite sa PagsusugalBonus sa PagdepositoMagsimula na
#1BetOnline Logo
BetOnline
50% hanggang sa $1,000Bisitahin ang site
#2SportsBetting.ag Logo
SportsBetting.ag
50% hanggang sa $1,000Bisitahin ang site
#3Betrally Logo
Betrally
100% hanggang sa $100Bisitahin ang site

HINDI LAMANG ang mga site na ito ang mainam gamitin, ngunit siguradong kasama ito sa mga pinakamahuhusay. Niranggo namin sila nang mataas at sigurado kaming magkakaroon ka ng magandang karanasan anuman ang iyong piliin dito. Narito ang listahan ng mga dahilan kung BAKIT namin sila niranggo nang mataas.

  • Estabilisadong mga site na mayroong magandang reputasyon
  • Maaasahan at mapagkakatiwalaan
  • Maganda ang mga bonus at reward
  • Madaling gamitin
  • Maganda ang sakop ng mga kaganapan
  • Maraming pagpipiliang opsyon sa pagtaya
  • Mahusay na mga pagkakataon at linya
  • Maraming paraan ng pagdeposito
  • Mabilis na pag-withdraw

Nagbigay kami ng maraming detalye tungkol sa aming mga rekomendasyon na nasa susunod na pahina at sinagot din namin ang madadalas na tanong na may kinalaman sa pagtaya sa online na esports.

Bilang karagdagan sa aming mga rekomendasyon, pinagsama-sama rin namin ang pagraranggo ng pinakamahuhusay na mga site sa pagtaya sa bawat laro. Maaari mo itong makita sa susunod na mga pahina.

Pinakabagong Balita & Mga Nalalapit na Kaganapan

Ang industriya ng esports ay bata pa ngunit lumalago naman nang mabilis kaya kailangan mong maging laging updated sa mga pangyayari kung nais mong maging matagumpay na mananaya sa esports. Kung mas marami kang nalalaman sa mga pangyayari ay mas malaki ang pagkakataon mong makahanap ng mga oportunidad sa pagkakaroon ng pera. Kaya inilagay namin ang seksyong ito sa aming gabay sa esports.

Dito namin inuulat ang mga mahahalaga at pinakabagong balita mula sa industriya ng esports. Ipapaalam namin sa iyo ang mga bagay na tungkol sa pagpapaunlad ng laro, mga umuusbong na pangkat, mga pagbabago sa mga panuntunan ng laro, at marami pang iba. Ipinakita rin namin ang lahat ng mga mayoryang laro na may pagpapayo sa pagtaya at tips na may kinalaman sa laro upang paalalahanan ka sa kung ano ang dapat mong malaman at kung kailan mo ito dapat malaman.